-- Advertisements --
Nakatakdang idepensa ni Filipino-American mixed martial arts fighter Brandon Vera ang kaniyang ONE heavyweight world title.
Gaganapin ito sa darating na Mayor 29 sa Mall of Asia Arena.
Isinagawa nito ang anunsiyo sa ginanap na Fire & Fury nitong nakaraang Biyernes.
Inaayos pa ng ONE Championship ang posibleng makakaharap nito.
Huling lumaban ito sa noong Nobyembre 2018 ng patumbahin niya si Mauro Cerilli sa unang round.
Matapos ang apat na buwan ay natikman nito ang unang pagkatalo sa ikalawang round sa kamay ni two-division champion Aung La N Sang sa light heavyweight title na ginanap sa Tokyo, Japan.