-- Advertisements --

Labis ang kasiyahan ni reigning ONE heavyweight champion Brandon Vera matapos ang isilang ang unang anak nila ng asawang si Jessica.

https://www.instagram.com/p/CDEcQj5pk38/

Sa kaniyang Instagram account, nagpost ang 42-anyos na Filipino-American fighter ng larawan nilang mag-asawa kasama ang bagong silang na anak na si Atreyu Timothy Vera.

Kuwento nito na napaaga ang panganganak ng asawa na nakatakda sana ito sa Agosto 5.

Labis ang pasasalamat nito sa kaniyang asawa dahil sa pagiging malakas at matagumpay na isinilang ang unang anak nila.

Magugunitang ipinagpaliban ang laban sana nito kay Arjan Singh Bhullar noong Mayo dahil sa coronavirus pandemic at hinihintay pa ang bagong petsa nito.