-- Advertisements --

Naniniwala ang ilang eksperto na mas mataas pa ang bilang ng mga kaso ng coronavirus sa Brazil taliwas sa mga datos na naisapubliko.

Una nang nalampasan ng Brazil ang United Kingdom bilang ikalawang bansa sa Amerika na may pinakamaraming kaso ng COVID-19 at mga namatay.

Sa latest data, lumalabas na sa loob lamang ng isang araw umaabot sa 909 ang mga namatay, habang ang mga bagong nahawa ay nairehistro naman sa 25,982 sa nakalipas lamang na 24 oras.

Sa kabuuan nasa 829,902 na ang mga nagkasakit ng COVID-19 sa Brazil samantalang lomobo pa sa 41,901 ang mga namatay.

Sa Amerika naman nasa 116,831 na ang mga nasawi.

Ayon naman sa mga eksperto sa Brazil, ang bilang ng COVID cases nila kung tutuusin ay mas marami pa dahil sa kakulangan ng testing.

Liban nito, hindi pa raw nagpe-peak ang mga kaso sa kanilang bansa.

Ang Brazil ang largest country sa Latin America, na itinuturing ngayon na epicenter sa nabanggit na rehiyon.