Nakatakdang dumating sa Maynila ang Minister for Foreign Affairs ng Brazil na si Mauro Viera.
Ito ay mamarka sa unang pagbisita sa bansa mula nang maitatag ang diplomatic relation sa pagitan ng dalawang bansa halos 80 taon na ang nakararaan.
Ang pagbisita ni Viera ay kinumpirma naman ng Department of Foreign Affairs.
Ayon sa ahensya tatalakayin ni Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo ang mga pagkakataon para isulong ang relasyon ng Brazil at Pilipinas.
Dagdag pa nito na inaasahang magpalitan ng ideya sa hanay ng mga isyu kabilang ang kalakalan at pamumuhunan, teknikal na kooperasyon, gayundin ang kooperasyon sa agrikultura, depensa, edukasyon, at sa multilateral arena.
Kabilang sa mga kasunduang nakatakdang lagdaan sa pagbisita ay ang edukasyon, pagtutulungang teknikal, sa mapayapang paggamit ng kalawakan.
Pinaigting rin ng Pilipinas at Brazil ang mga opisyal na pakikipag-ugnayan sa pamamagitan ng pagdaraos ng mga high-level exchange, tulad ng 6th Bilateral Consultation Meeting noong 2023.