-- Advertisements --
Hindi pa ginagalaw ng Brazil ang dalawang milyong doses ng hydroxychloroquine na ipinadala ng US.
Ang nasabing mga gamot ay kasalukuhang nasa storage sa Sao Paulo, Brazil.
Dumating ang nasabing mga gamot noong Mayo 31, matapos na isulong ni US President Donald Trump na isa itong mabisang gamot laban sa COVID-19.
Sinabi ni Renato Strauss, ang tagapagsalita ng Health Ministry , na gagamitin na lamang ang nasabing gamot sa paglaban sa malaria.
Magugunitang kinontra ng World Health Organization ang paniniwala ni Trump na ang hydroxychloroquine ay gamot na sa coronavirus.