-- Advertisements --

Pinatunayan ng Brazil na sila ang nangunguna na football team sa mundo matapos talunin ang Serbia 2-0 sa Group G stage ng nagpapatuloy na FIFA World Cup sa Qatar.

Itinuring na bayani ng laro ng Brazil ang kanilang striker na si Richarlson na unang nakapag-goal sa loob ng 62 minuto sa laro na ginanap sa Lusail Stadium.

Nabantayan kasi ang superstar ng Brazil na si Neymar kaya hindi ito nakapagtala ng goal.

Crowd favorite kasi ang Brazil na mayroong limang world cup title at sila ay nasa ranked number 1 habang ang Serbia ay nasa ranked number 21 sa FIFA ranking.