-- Advertisements --
Amazon Rainforest image by Greenpeace
Amazon Rainforest/ Greenpeace image

Ipinagbawal ng Brazil ang pagsusunog ng lupa sa loob ng 60 araw bilang tugon sa mabilis na pagkalat ng apoy sa Amazon rainforest.

Pormal nang nilagdaan ni Brazilian President Jair Bolsonaro ang nasabing utos sa kabila ng kabi-kabila nitong natatanggap na kritisismo mula sa kaniyang nasasakupan maging sa ibang bansa dahil sa bigo nitong pag-protekta sa gubat.

Nakatakda namang magpulong ang ilang pinuno ng South American countries upang talakayin ang kinakaharap na krisis ng bansa.

Sa ngayon, hindi pa malinaw kung ano ang magiging epekto ng nasabing ban na ito.

Ayon sa mga environmentalists, malaking parte na ng gubat ang iligal na dumaan sa naturang forest clearance.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng mga prosecutors hinggil sa mga alegasyon na nagsimula ang sunog dahil sa iligal na pagsusunog ng lupa upang matamnan ito at magamit.