-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Patuloy ang pagtaas ng mga tinatamaan ng COVID-19 sa Brazil dahil maraming pasaway na Brazilian.

Sa isang araw lamang ay may naitalang 300 ang nasawi.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Gng. Anne Allard, tatlong taon nang OFW sa Brazil at tubong San Miguel, Bulacan na marami ring Pilipino sa nasabing bansa ang tinamaan ng virus.

Ayon kay Gng. Allard, isa siyang therapist at hinihilot at nagsasagawa siya ng pag-steam sa mga biktima ng COVID-19.

Noon ay marami ang gumagaling sa alternatibong panggagamot ngunit ngayon ay mas maraming dinadala sa ospital.

Hindi aniya sineseryoso ng mga mamamayan sa Brazil ang COVID-19 at hindi mahigpit na ipinapatupad ang mga restrictions.

Maraming tao sa mga karaoke bars at hindi sinusunod ang social distancing. Hindi rin sapilitan ang pagpapabakuna kontra COVID-19.

Gayunman, pinuri ni Ginang Allard ang mga ospital sa Brazil dahil kumpleto sa mga kagamitan at pasilidad at nagbibigay ang mga ito ng libreng gamot.