-- Advertisements --
Nagtala ang Brazil ng pinakamaraming pagkakamatay sa loob lamang ng isang araw matapos dapuan ng coronavirus.
Ayon sa health ministry mayroon 881 ang nasawi nitong Martes.
Dahil dito ay itinuturing ang Brazil bilang sentro ng outbreak sa Latin Amerika.
Umaabot na kasi sa mahigit 177,589 ang nagpositibo ng virus sa bansa habang mayroong mahigit 12,400 ang nasawi.
Minaliit lamang ni Brazil President Jair Bolsonaro ang nasabing bilang kung saan sinisi pa niya ang mga governors at mayors dahil sa pagiging strict restrictions para mabawasan ang pagkalat ng virus.