-- Advertisements --
Doble kayod na ngayon ang mga manggagawa ng Sao Paolo sa Brazil sa paghuhukay ng kanilang mass grave dahil sa patuloy ang pagtaas ng kaso ng coronavirus sa kanilang bansa.
Sinabi ni Sao Paolo city director for COVID-19 emergency center Dimas Covas, sa kasalukuyan ay tila tinatalo na sila ng nasabing virus.
Sa ngayon kasi nasa pangatlong puwesto na ang Brazil sa buong mundo na mayroong 291,579 ang nadapuan ng deadly virus kung saan mayroong 18,859 na ang nasawi.
Bagamat kinontra ni Brazil President Jair Bolsonaro ang lockdown measure ay isinusulong nito ang paggamit ng anti-malarial drug na chloroquine para sa paggamot daw ng coronavirus.