Tinanggap na ng Brazil ang tulong ng Israel para sa pagapula ang malaking sunog sa Amazon rainforest.
Ayon kay Brazilian President Jair Bolsonaro, na bukod sa tulong Israel ay nakahanda na rin ang 44,000 na sundalo na pinayagan din ng pitong estado na sumasakop sa Amazon rainforest.
Inihahanda na rin nila ang kanilang mga eroplano na magdadala ng tubig para apulahin ang malaking sunog.
Sa kasalukuyan ay naglaan na rin ang mga bansa na dumalo sa G7 summit ng mahigit $20-million para maapula ang sunog.
Umaani rin ng batikos ang Brazilian President dahil ayaw niyang makialam ang ibang bansa sa nasabing problema.
Itinuturing ng mga environmentalist na mahalaga ang Amazon rainforest dahil ito ang nagpapabagal ng global warming na itinuturing ng “baga ng mundo” na siyang gumagawa ng oxygen at nag-a-absorb ng carbon dioxide.
Mayroong mahigit 550 million ektarya ang lawak ng Amazon rainforest na sumasakop maging sa mga bansang Colombia, Peru at Southern American countries pero mas malawak ang nasasakupan ng Brazil.
Makikita rin dito ang iba’t ibang endangered species gaya ng black caiman, green anaconda, giant otter white-lipped peccary at maraming iba pa.