-- Advertisements --
Hindi tatanggapin ng Brazil ang $22 million international aid para sa pag-apula ng sunog sa Amazon rainforest.
Ito mismo ang kinumpirma ng opisina ni Brazilian President Jair Bolsonaro na kaniyang tatanggihan ang tulong na napagkasunduan ng G7 summit na ginanap sa France.
Ayon sa chief of staff ni Bolsonaro na si Onyx Lorenzoni na ang nasabing pera ay maaaring gamitin sa ibang paraan.
Isa sa nasabing dahilan ng Brazilan president ay ayaw niyang hawakan sila ng ibang bansa.
Magugunitang ang nasabing tulong ay napagkasunduan ng mga bansang France, Canada, Germany, Italy, Japan, United Kingdom at US sa ginanap na G7 summit sa Biarritz, France.