-- Advertisements --
Pumanaw na ang Brazilian singer na si Astrud Gilberto sa edad 83.
Kinumpirma ito ng kaniyang apo na si Sofia Gilberto subalit hindi na nito binanggit ang sanhi ng kamatayan nito.
Sumikat ang singer noong dekada 60 na siyang nagtaguyod ng bossa nova genre.
Isa sa mga pinasikat nitong kanta ay ang “The Girl From Ipanema”.
Isinilang ang singer sa Salvador, Bahia sa Brazil noong 1940 at ikinasal kay Joao Gilberto na isang sikat na bossa nova singer na ito ay pumanaw noong 2019.
Ang singer na si Astrud Gilberto ay nakapagrecord ng 19 albums sa kaniyang career.
Siya rin ang unang Brazilian na nominado sa Grammy kung saan nagwagi siya para sa song of the year noong 1965.