-- Advertisements --

Nakalabas na sa pagamutan si Brazilian soccer legend Pele.

Kasalukuyan kasing nagpapagamot ang soccer legend mula sa kaniyang sakit na cancer.

Dinala ang 81-anyos na si Pele noong Disyembre 8 para sa chemotherapy treatment dahil sa kaniyang colon tumor.

Magugunitang noong Setyembre ay tinanggal ang tumor sa kaniyang kanang colon na nadiskubre lamang noong ito ay nagpa-check up.

Naging three-time World Cup winner si Pele na nakilala noong 1958 World Cup.

Noong taong 2000 ay pinangalan siya bilang Player of the Century ng FIFA kasama si Diego Maradona ng Argentina.