-- Advertisements --

Itinakbo sa pagamutan si Brazilian football legend na si Pele dahil sa urinary tract infection.

Sinabi ng kaniyang tagapagsalitang si Pepito Fornos, na posibleng manatili ng ilang araw sa pagamutan ang 78-anyos na football legend.

Patuloy ang kaniyang pag-inom ng gamot sa pagamutan sa Paris.

Tinuturing na si Pelé lamang ang tanging manlalaro sa kasaysayan na nanalo ng tatlong World Cup.

Pele/ IG post

Dumanas na ng ibang sakit si Pelé kung saan noong 2015 ay itinakbo ito sa Brazilian hospital dahil sa enlarge prostate.

Naging malaking tulong din ito sa pagpasok ng Brazil noong 1958, 1962 at 1970 World Cup.