Pumanaw na ang Brazilian soccer legend na si Pelé sa edad 82.
Ayon sa mga pamilya na hindi na nito nakayanan ang pakikipaglaban niya sa cancer habang nakaratay sa Sao Paulo Hospital.
Taong 2021 ng ma-diagnosed ng cancer ang football star na si Edson Arantes do Nascimento sa tunay na buhay.
Mula noon ay pabalik-balik na siya sa pagamutan na naapektuhan na rin ang kaniyang kidney.
Nagawa pa niyang manood ng finals ng FIFA World Cup kung saan binati niya sina Lionel Messi ng Argentina at Kylian Mbappe ng France dahil sa paghaharap nila sa Finals.
Sinulatan din nito si Brazilian player Neymar matapos na mabigong magtagumpay sa World Cup.
Naging bahagi ng national team si Pele noong ito ay edad 16 at nagwagi siya ng unang World Cup sa edad na 17 sa taong 1958.
Pinangunahan niya ang Brazil para makuha pa ang dalawang World Cup Title s noong 1962 at 1970.
Itinuturing siya bilang best goal scorers kung saan hinangaan siya ng ilang football players gaya ni Cristiano Ronaldo ng Portugal.
Nitong Pasko ay nagbahagi ng larawan ang pamilya nito kung saan doon na sila nagpalipas ng Pasko sa pagamutan.