-- Advertisements --
Amazon fire
Amazon wildfire

Hindi ikinaila ng gobyerno ng Brazil na kulang ang kanilang kakayahan para maapula ang mga wildfires na tumupok sa Amazon rainforest.

Sinabi ni Brazilian President Jair Bolsonario, na mas malaki ang Amazon kaysa Europa kaya talagang hirap silang maapula ang nasabing apoy.

Bagamat regular ang nagaganap na mga wildfires tuwing dry season ay isinisi naman ng environmentalist ang ginagawang pagsusunog ng mga magsasaka sa kanilang lupain bago nila ito taniman.

Magugunitang binatikos ang Pangulo ng Brazil dahil sa pahayag na hindi niya kailangan ang tulong ng ibang mga ahensiya.