-- Advertisements --
Nagnegatibo na umano sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) si Brazilian President Jair Bolsonaro.
Ito’y ilang linggo matapos sumailalim sa home quarantine ang presidente ng Brazil dahil sa impeksyon.
Sa larawang ibinahagi sa social media, makikita na may hawak si Bolsonaro na isang kahon ng anti-malaria drug na hydroxychloroquine, na nakatulong daw sa kanyang paggaling sa kabila ng kakulangan ng ebidensya na mabisa nga ang naturang gamot laban sa virus.
Hindi naman binanggit ni Bolsonaro kung kailan ito sumailalim sa test, at hindi na rin naglahad pa ng karagdagang mga detalye.
Matatandaang tatlong beses na nagpositibo sa COVID-19 si Bolsonaro ngayong buwan, kasama na rito ang initial diagnosis noong Hulyo 7 sa COVID-19.