Pinag-aaralan na ngayon ni Brazilian President Jair Bolsonaro na magpakalat ng sundalo para maapula ang sunog sa Amazon rainforest.
Kasunod ito ng malawakang panawagan mula sa iba’t-ibang bahagi ng mundo dahil sa kapabayaan ng Brazilian government.
Umaabot na sa 76,720 forest fires ang naitala sa Brazil ngayong taon na mas mataas mula noong 2013 dahil halos kalahati ng Amazon rainforest ay nasunog.
Inakusahan din kasi ng France ang Brazilian President na nagsisinungaling dahil sa hindi makakatotohanan ang kaniyang paglaban sa climate change.
Maraming mga environmentalist ang nasabing na ang sunog ay kagagawan ng mga magsasaka na sinadya nilang sunugin ang kanilang pananim para malinisan ang kanilang sakahan subalit ipinagigiitan ng pangulo ng Brazil na sinadya ng mga nongovernment organization ang sunog para sirain ang kaniyang panunungkulan.