-- Advertisements --

Naka-confine sa pagamutan si Brazilian President Jair Bolsonaro dahil sa pananakit ng tiyan at walang tigil na pag-sinok.

Ayon sa presidential palace na sumakit ang tiyan nito habang sumasailalim sa test sa Armed Forces hospital sa Brasilia.

Oobserbahan ang kaniyang kalusugan sa loob ng 24 hanggang 48 oras.

Mahigit isang linggo na nitong idinadaing ang walang tigil na pag-sinok na dahilan ng hirap niyang pagsalita.

Pinag-aaralan pa ng mga doktor ang pag-alis ng hernia sa tiyan na posibleng gawin ito sa ilang buwan.

Hindi lamang ito ang unang beses na na-ospital ang pangulo ng Brazil dahil noong 2019 ay inoperahan na ito para matanggal ang colostomy bag matapos na saksakin habang nangangampanya sa pagkapangulo.