-- Advertisements --

Nanindigan si Brazilian President Jair Bolsonario na hindi sila bibili ng COVID-19 vaccine ng China na Sinovac.

Kasunod ito ng naging payo ng kaniyang health minister na hindi kasama ang nasabing bakuna sa immunization ng kanilang bansa.

Ipinanukala kasi ni Health Minister Eduardo Pazuello na isasama nila sa immunization program ang mga bakuna na gawa ng AstraZeneca at Oxford University.

Plano ngayon kasi ng gobyerno ng Brazil na bumili ng bakuna na gawa ng FioCruz sa Rio de Janeiro.