Magsasampa ng kaso ang Brazilian Press Association laban kay President Jair Bolsonaro.
Ito ay matapos ang posibleng ma-expose niya ang ibang mga mamamahayag dahil wala itong suot na facemask ng ibunyag niyang nagpositibo ito sa coronavirus sa isang press conference.
Ayon sa grupong ABI, hindi umano nirespeto ng Brazilian president ang health safety distance mula sa reporters ng makapanayam ito sa Brasilia capital.
Sinabi pa ng pangulo ng grupo na si Paulo Jeronimo de Souza, na malinaw na tila sinadya umano ni Bolsonaro ang insidente.
Maging si Brazilian congressman Marcelo Freixo ay nagsampa rin ng kaso laban kay Bolsonaro dahil sa pagtanggal nito ng facemask kahit nasa harap ng maraming tao.
Umaabot ng ngayon sa mahigit 1.7 million ang kaso ng coronavirus sa Brazil kung saan nagtala sila ng mahigit 40,000 na kaso sa loob lamang ng isang araw na mayroong mahigit 67-K ang namatay matapos madapuan ng virus.