-- Advertisements --

Inakusahan ni Brazilian President Jair Bolsonaro si Hollywood star Leonardo DiCaprio na nagpasimula ng sunog sa Amazon rainforest.

Reaksyon ito sa isang social media post kung saan binayaran ang environmental organization na World Wildlife Fund (WWF) ang larawan na kuha ng mga volunteer firefighters na para sana sa donasyon kasama na dito ang donasyon mula sa actor na nagkakahalaga ng $500,000.

Pinabulaanan naman ito ng WWF na tumanggap sila ng donasyon sa actor ganun din ang pagkuha nila ng mga larawan mula sa mga bumbero.

Maging si DiCaprio ay pinabulaanan ang nasabing akusasyon.

Magugunitang naging malaking usapin ang nasabing sunog sa Amazon dahil dito naninirahan ang mga endangered animals at mga halaman.