-- Advertisements --

Itinakbo sa pagamutan si Brazilian President Jair Bolsonario dahil sa may pagbabara sa kaniyang bituka.

Ayon sa Via Nova Star Hospital sa Sao Paulo na dumanas ang pangulo ng “intestinal subocclusion”.

Ito na ang pinakabagong medical isyu kay Bolsonario mula noong ito ay nasaksak habang nangangampanya.

Nitong Linggo kasi ay nanghina si Bolsonario kaya agad ito ng itinakbo sa pagamutan.

Kasalukuyang nagpapagaling na rin si Bolsonario.