-- Advertisements --

Sumailalim sa operasyon sa utak si Brazilian President Luiz Inacio Lula da Silva.

Ayon sa kaniyang doctor na naging matagumpay ang isinagawang operasyon sa 79-anyos na pangulo.

Patuloy na binabantayan ang kalagayan nito sa intensive care unit.

Nitong Lunes ay sumalang siya sa MRI matapos makadama ng pananakit sa ulo at nakit ang intracranial hemorrhage.

Matapos niya ay inilipat siya sa Sirio Libanes hospital sa Sao Paulo at doon isinagawa ang operasyon.

Magugunitang noong Oktubre ng matumba ito sa kaniyang bahay at nakita ang namuong dugo sa utak nito.

Pinayuhan siya ng kaniyang mga doctor na manatili at magpagaling sa pagamutan.