Ikinatuwa nina Southeast Asian Games gold medalist Wilbert Aunzo at Pearl Marie Caneda na kasama na bilang Olympic event ang break dancing.
Naniniwala ang dalawa na ang breakdancing ay magpopromote sa buong dancesport kung saan nakakuha ng 10 gintong medalya ang Pilipinas noong nakaraang SEA Games.
Umaasa sila na isusunod na kikilalanin din bilang opisyal Olympic events ang Latin dance at standard.
Ang dalawa ay SEA Games champion sa rumba, samba at cha-cha kung saan sila ay nagsasanay na.
Tiwala sila na tuluyan ng makakuha ng full membership sa Philippine Olympic Committee ang dancesport kapag magpulong ang POC sa darating na Agosto 29.
Bukod kasi sa dance sport ay magiging full members na rin ng POC ang karatedo kung saan sa kasalukuyan ay mayroon ng 51 national sports association ang bansa.