Lalo pang lomobo ngayon ang bilang ng mga bagong COVID-19 cases sa Pilipinas matapos na maitala ng Department of Health (DOH) ang 17,220 na karagdagang kaso.
Nitong nakalipas araw ay nakapagtala ang DOH ng mahigit sa 10,000 na mga kaso.
Mula noong taong 2020 ang kabuuang tinamaan ng coronavirus sa bansa ay umaabot na sa 2,888,917.
Lalo rin namang dumami muli ang mga aktibong kaso o pasyente na nasa 56,561 na.
Bigla rin namang tumaas ang mga ICU bed occupancy sa NCR na umangat pa sa 43% na mas mataas nitong nakalipas na Miyerkules na nasa 37%.
Samantala, mayroon namang naitalang 616 na mga bagong gumaling.
Ang nakarekober sa virus ay nasa 96.3% na o 2,780,613.
Habang umaabot naman sa 81 ang mga nadagdag na mga pumanaw.
Ang death toll sa bansa dahil sa deadly virus ay nasa 51,743 na.
Mayroon namang 11 laboratoryo ang hindi nakapagsumite ng datos sa DOH.
“Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong January 4, 2022 habang mayroong 11 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS). Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 11 labs na ito ay humigit kumulang 2.8% sa lahat ng samples na naitest at 4.5% sa lahat ng positibong mga indibidwal,” bahagi pa ng DOH advisory.
“Pinapaalalahanan ang lahat na huwag maging kampante sa banta ng COVID-19. Bagkus, dapat natin ipagpatuloy ang tamang pagsunod sa minimum public health standards at laging magsuot ng facemask, mag physical distancing, at maghugas ng kamay. Sa oras na makaramdam ng sintomas, agad na mag-isolate at magpatest. Tandaan ang right test at the right time. Agad rin na magpabakuna upang makakuha ng dagdag na proteksyon laban sa COVID-19.”