-- Advertisements --
Air India
Air India/ IG post

(Update) Nasa 17 katao na ang patay, 100 ang sugatan matapos ang pagbagsak ng pampasaherong eroplano sa India.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, kasamang patay ang piloto ng Air India Express.

Kabilang din sa namatay ay ang 10-anyos na bata at 18-months baby.

Sinasabing may kabuuang 191 ang sakay ng Boeing 737.

Papuntang Dubai ang nasabing eroplano ng ito ay magkaaberya sa runway ng Calicut airport at ito ay nahati sa dalawa.

Itinuturong dahilan sa pagkadulas ng eroplano sa runway ng airport sa Kerala state ay dahil sa ilang araw na patuloy na malakas na pag-ulan.

Suwerte namang hindi nasunog ang eroplano.