-- Advertisements --

Nalampasan na ng Pilipinas ang higit 50,000-mark na bilang ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19.

Sa inilabas na case bulletin ng Department of Health (DOH) ngayong alas-9:00 ng gabi, lumalabas na nasa 50,359 na ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng sakit sa bansa.

Bunsod ito ng bagong record high na 2,539 new cases.

Binubuo ito ng 617 late cases o mga kaso ng sakit na lumabas ang resulta sa nakalipas na apat na araw pero ngayon lang na-validate.

At bago ring record high na 1,922 fresh cases o mga kaso ng COVID-19 na lumabas ang test results at na-validate sa nakalipas na tatlong araw.

Ayon sa DOH, 90-porsyento ng mga bagong kaso ng COVID-19 ang tinamaan ng sakit sa nakalipas na dalawang linggo.

“An increase in the number of cases were also reported from closed settings (MRT and a construction site), with MRT reporting 202 cases. There is also continuous clustering observed in barangays.”

Batay sa evidence-based surveillance report, may anim na bagong barangay sa NCR ang may kaso na ng clustered cases. Isa ang nadagdag sa Cebu City at Mandaue City; at tig-isa rin sa Palawan at Albay.

Samantala, ang bilang ng mga gumagaling sa sakit ay nasa 12,588 na dahil sa 202 na bagong recovery.

Ayon sa DOH, ang inulat na new confirmed cases ngayong gabi ay galing sa report ng 67 laboratoryo. Ang total na bilang ng licensed COVID-19 testing lab ay nasa 74.