-- Advertisements --
Duterte Davao meeting IATF Go
President Duterte with IAFT members meeting in Davao City (Photo from Sen. Bong Go)

Ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte, ang pagpigil sa taas singil sa mga kontribusyon ng miyembro ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

Sinabi ni Senator Christopher ‘Bong’ Go na inaayos na ng pangulo ang pagpirma nito ng papeles para sa nasabing hindi pagtuloy ng taas singil ng PhilHealth contributions.

Ang nasabing pagpigil sa taas singil ng PhilHealth contributions ay napapaloob sa Universal Health Care (UHC) Law.

Magugunitang nakatakdang magtaas ng 3.5 percent mula sa 3 percent na PhilHealth contributions para matiyak na mayroong sapat na healthcare benefits fund sa 110 milyon na miyembro ng PhilHealth.