Inaresto umano ng militar ang lider ng Myanmar na si Aung San Suu Kyi at iba pang matataas na opisyal mula sa National League for Democracy (NLD) party.
Ito ay sa gitna nang lumalalang tensyon sa pagitan ng civilian government at militar na nagbunsod ngayon sa coup ‘de etat matapos ang ginanap na halalan sa bansa noong nakaraang taon.
Napanalunan ng NLD ang 83% available seats noong November 8 election na mistulang referendum umano ng civilian government na isinusulong ni Suu Kyi.
Subalit hindi naging maganda ang pagtanggap ng militar sa resulta na inakusahan pa na merong naganap na dayaan.
Naghain ang mga ito ng reklamo sa Supreme Court laban sa presidente at chairperson ng electoral commission.
Samantala, ayon sa tagapagsalita ng NLD, kasama ni Suu Kyi na nakulong si President Win Myint.
Nanawagan din aniya si Myint sa mamamayan ng Myanmar na huwag gumawa ng kaguluhan at umakto base sa batas na umiiral sa kanilang bansa.
Umaasa na raw ito na maging siya aarestuhin din ng militar.
Nakakaranas ngayon ng phone line interruption sa Naypyitaw kung saan nakatakdang umupo ang mga ito sa parliyamento matapos ang eleksyon noong Nobyembre na napanalunan naman ng NLD.
Ang Nobel Peace Prize winner na si Suu Kyi ay naluklok sa pwesto noong 2015 sa pamamagitan ng landslide election na sinundan naman ng halos ilang dekadang house arrest dahil sa pakikipaglaban nito sa demokrasya.
Dahil sa kaniyang ipinaglalaban ay naging international icon ito at nagsilbi pang bayani ng Myanmar.
Subalit tila nasira ang magandang international standing ni Suu Kyi makaraang libu-libong Rohingya ang tumakas mula sa army operations upang magtago sa Bangladesh noong 2017.
Inakusahan si Suu Kyi ng kaniyang mga dating tagasuporta dahil sa pananahimik umano nito sa kabi-kabilang human rights violation na naranasan ng Rohingya.
Wala umano itong ginawa upang matigil ang panggagahasa, pagpatay at genocide dahil hindi nito kinondena ang ginawa ng mga militar.