-- Advertisements --
Duterte IATF COVID ECQ MECQ GCQ

Tinanggihan ng Pangulong Rodrigo Duterte Duterte ang kahilingan ng kanyang economic team na ilagay na ang buong Pilipinas sa Modified General Community Quarantine (MGCQ) simula sa Marso 1.

Kinumpirma ni Presidential Spokesperson Harry Roque na inatasan ng Pangulong Duterte ang kanyang gabinete na hindi muna ipapatupad ang MGCQ hangga’t walang rollout ng vaccine laban sa COVID-19

Aniya, bagamat mahalaga ang reopening ng ekonomiya, mas binibigyan umano ng prayoridad ng pangulo sa panahon ngayon ang “public health and safety.”

“The Chief Executive recognizes the importance of re-opening the economy and its impact on people’s livelihoods. However, the President gives higher premium to public health and safety,” ani Roque sa statement. “PRRD also wants vaccination to start the soonest possible time in order to ease the community quarantine.”