Inaprubahan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang temporary suspension ng mga inbound international flights mula sa South Africa, Botswana at ibang bansa na mayroong local na kaso ng bagong COVID-19 variant na B.1.1.529.
Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles, na epektibo agad ang nasabing travel ban at magtatapos ito ng hanggang Disyembre 15.
Inatasan din ng IATF ang Bureau of Quarantine na agad na puntahan ang mga biyahero na galing sa nasabing mga bansa na dumating noong nakaraang pitong araw bago ipatupad ang kautusan.
Isasagawa ito sa mahigpit na pakikipag-ugnayan nila sa mga local government units.
Ang nasabing mga biyahero na galing sa mga nabanggit na bansa ay sasailalim ng 14-day facility-based quarantine na mayroong RT-PCR tests sa ika-pitong araw matapos na sila ay nakita na.
Inaprubahan din ng IATF ang termporary suspension ng mga inbound international flights mula sa mga bansang Nambia, Zimbabwe, Lesotho, Eswatini at Mozambique na kalapit ng South Africa at Botswana.
Ang mga pasahero naman na nasa biyahe na patungo sa Pilipinas ay kailangan pagdating nila sa bansa ng 12:01 ng Nobyembre 28 ay hindi sila pagbabawalang makapasok sa bansa at sa halip ay sasailalim ang ito ng mas mahigpit na quarantine at testing protocols gaya ng obserbasyon at paglalalgay sa facility based sa loob ng 14 na quarantine period.
Magugunitang hinihintay pa ng Department of Health (DOH) ang karagdagan ulat mula sa World Health Organization (WHO) tungkol sa nasabing bagong variant na nakita sa South Africa na pinaniniwalaang mas nakakahawa kumpara sa Delta at Beta variant.