-- Advertisements --
Kinumpirma ngayon ng Department of Health (DOH) na nakapagtala na sila ng ikatlong kaso ng Omicron variant ng COVID-19 sa Pilipinas.
Iniulat ni DOH Usec. Rosario Vergiere na natukoy nila ang isang 36-anyos na returning Filipino mula sa Qatar na nagtataglay ng Omicron virus.
Ito umano ay dumating sa Pilipinas noong November 28 at may travel history mula sa Egypt.
Sa ngayon ito raw ay asymptomatic at sumailalim na sa isolation facility matapos na dumating.
Nasa home quarantine na raw ito sa Cavite matapos na magnegatibo sa COVID-19 test nitong nakalipas na Linggo.
Nilinaw din naman ng DOH na ang tatlong nagkaroon ng close contact sa naturang OFW ay negatibo na rin sa virus.