-- Advertisements --
advincula 1

.Inanunsiyo ngayon ng Vatican ang pagtatalaga ni Pope Francis kay
Jose Cardinal Advincula bilang bagong arsobispo ng Archdioces of Manila.

Si Advincula bilang ika-33rd na arsobispo ng Maynila ang ipinalit kay Cardinal Luis Antonio Tagle na siya na ngayong prefect of the Congregation for the Evangelization of Peoples na nakabase sa Roma, Italya.

Mula pa noong February 2020 ay walang arsobispo ang Maynila at si Bishop Broderick Pabillo muna ang itinalagang apostolic administrator.

Noong buwan naman ng Nobyembre ng nakalipas na taon ay pormal na hinirang ng Santo Papa si Advincula bilang bagong kardinal ng Simbahang Katolika.

Ang 68-anyos na si Advincula ang kauna-unahang cardinal mula sa Archdiocese of Capiz.

Ipinanganak siya noong March 30, 1952 sa bayan ng Dumalag sa Capiz.

Naordinahan siya bilang pari noong taong 1976.

Si Advincula na isa ring canon lawyer, ay nagsilbi bilang obispo ng San Carlos sa loob ng 10 taon bago siya hinirang na arsobispo ng Capiz noong November 2011.

Nagsilbi rin siya sa mga seminaries ng Vigan, Nueva Segovia at regional seminary ng Jaro, Iloilo.

Ikaapat si Advincula sa living Filipino cardinals, kasama si Cardinal Tagle, at ang dalawang mahigit 80-anyos na sina Cardinal Orlando Quevedo at Cardinal Gaudencio Rosales.

Noon lamang buwan ng Disyembre, hinirang din ni Pope Francis si Advincula bilang isa sa mga miyembro ng Congregation for the Clergy.

Samantala nanguna naman ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa pagbati kay Advincula kabilang na ang ipinarating ni Archbishop Romulo Valles, ang CBCP president.

“I wish the archbishop-elect God’s abundant blessing in his new mission and offer him our continued prayers and support,” ani Valles.

Official bulletin from the Holy See

vat