-- Advertisements --
RUN SARA RUN MAYOR DUTERTE

Pormal nang tinanggap ng Comelec Law Department ang inihaing substitution papers ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio para sa pagtakbo nito sa pagka-bise-presidente sa 2022 elections.

Maging ang dokumento sa pag-atras ni Lyle Fernando Hatton-Uy tulad ng certificate of candidacy (COC) mula sa partido Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD) upang bigyang daan ang presidential daughter sa substitution ay napasakamay na rin ng Comelec.

Bago mag-alas-2:00 ng hapon nitong Sabado nang personal na magtungo sa Comelec head office sa Intramuros, Maynila ang kinatawan ni Duterte na si Atty. Charo Munsayac upang ihain ang substitution papers at COC ng mayor.

Sa ngayon wala pang hayagang pahayag ang alkalde kung sino ang kanyang ka-tandem sa pagka-presidente.

Samantala, sinasabing ang Lakas-CMD presidential aspirant na si Anna Capella Velasco ay nagpaabot na rin nang abiso sa Comelec sa pag-atras sa kanyang kandidatura.

mayor sara coc

Ilang minuto lamang ang nakalipas matapos ang paghahain ng COC ng mayor sa pamamagitan ng mga abogado, ang Partido Federal ng Pilipinas (PFP) ay isinapubliko naman ang kanilang executive committee resolution upang ianunsiyo na kanilang ina-adopt si Duterte bilang runningmate ni Bongbong Marcos.

Ito rin naman ay kinumpirma ng PFM campaign manager na si Atty. Vic Rodriguez.

Si Marcos ang tumatayo ring bagong chairman ng PFP kung saan tumatakbo siya sa pagka-presidente.

pfp marcos
pfp marcos 1