-- Advertisements --

Pormal nang itinalaga si PMGen. Rommel Francisco Marbil bilang bagong pinuno ng Pambansang Pulisya kapalit ni retired PGen. Benjamin Acorda Jr. sa ginanap na retirement honors at change of command ceremony ngayong araw sa Kampo Crame na pinangunahan mismo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Magugunita na itinalaga ng Palasyo ng Malakanyang si PLTGen. Emmanuel Peralta bilang officer in charge ng Philippine National Police (PNP) kahapon, Marso 31, 2024 sa pagtatapos ng extension ng serbisyo ni PNP Chief Acorda.

Si Acorda at Marbil ay mag-mistah dahil kapwa miyembro ang mga ito ng PMA SAMBISIG Class of 1991.