Buluntaryong nag-resign na sa kanyang puwesto si Agriculture Undersecretary Leocadio Sebastian matapos na mabulgar ang hindi otorisadong balakin na pag-angkat sana ng 300,000 metric tons ng asukal.
Ito ang kinumpirma ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles nitong Biyernes ng gabi.
Si Sebastian ang tumatayong undersecretary for operations and chief-of-staff ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa DA.
Ang sulat ni Sebastian ay may petsang August 11, 2022 at ipinadala ito sa tanggapan ni Atty. Victor Rodriguez, ang executive secretary ng pangulo.
Inamin ni Sebastian na ang pagpirma niya sa Sugar Order 4 ay hindi naaayon sa direksiyon ng Marcos administration sa sugar industry.
Humingi rin ito ng paumanhin dahil sa pagpirma niya sa dokumento na walang kaukulang pag-apruba mula mismo sa Pangulong Marcos.
“I sincerely offer my apologies, Your Excellency, for my having approved Sugar Order no. 4 on your behalf, and through the authority you have vested upon me,” ani Sebastian sa kanyang sulat.
Kasabay nito, nagpasalamat din si Sebastian sa pagbibibigay umano ng tiwala sa kanya ng presidente at makapagsilbi sa gobyerno.
Una nang iniulat ni Sec. Cruz-Angeles na suspindido muna ang ilang mga opisyal na nakapirma sa Sugar Order 4 habang isinasagawa ang imbestigasyon.
Binigyang diin ni Cruz-Angeles na ang Pangulong Marcos ang chairman ng Sugar Regulatory Board kaya siya rin ang magtatakda ng anumang meeting o agenda. Kaya anuman umano ang ginawa nina Sebastian ay “illegal.”
“The Chairman of the Sugar Regulatory Board is President Ferdinand Marcos, Jr. As such, the chairman sets the date of any meetings or convening of the Sugar Regulatory Board and its agenda. No such meeting was authorized by the President or such a resolution likewise, was not authorized,” giit pa ni Cruz-Angeles. “Usec Sebastian was not authorized to sign such a resolution because the President did not authorize the importation.”
Ang naturang kontrobersiya ay lumutang matapos na pigilan ng Pangulong Marcos ang pag-aangkat ng 300,000 na layon sana na mapababa umano ang presyo ng asukal at maibsan ang kakulangan na magtatagal na lamang sa katapusan ng buwan.
Sa panayam naman ng Bombo Radyo sa ilang mga stakeholders lalo na sa grupo ng sugarcane, kanilang sinabi na wala raw kakulangan sa asukal at tutol din sila panukalang pag-aangkat