-- Advertisements --
Hiniling ngayon ni Department of Justice (DOJ) Usec. Markk Perete ang pang-unawa matapos magbitiw sa puwesto.
Aniya, nagdesisyon itong mag-resign sa puwesto hindi dahil sa mga isyu sa DOJ pero dahil na rin sa seryosong mga rason.
Wala naman umano itong problema sa pamumuno ni Justice Sec. Menardo Guevarra at personal ang kanyang rason sa pagbibitiw sa puwesto.
Ang resignation ni Perete ay epektibo na ngayong araw.
Si Perete ay na-appoint bilang tagapagsalita ng DOJ noong November 2018 na dating technical assistant sa Office of the President na may ranggong assistant secretary for legal affairs.