Tulad nang inaaasahan pinagtibay na ng House committee on justice ang pagpapa-impeach kay Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno sa katatapos lamang na botohan.
Lumabas sa resulta ng botohan na 38 na mga miyembro ng komite ang bomoto sa paniniwalang merong sapat na “probable cause” upang ihain na sa Senado ang kaso sa pagpapatanggal kay Sereno habang dalawa lamang ang mga komontra.
Tanging sina Quezon City Rep. Kit Belmonte at Dinagat Island Rep. Kaka Bag-ao lamang ang siyang tumutol.
Kaugnay nito, agad namang iniutos ang pagbuo ng komite na kinabibilangan ng mga vice-chairmen na siyang babalangkas ng committe report at articles of impeachment.
Dito ilalatag kung anu-anong mga partikular na reklamo na may mabigat na ebidensiya ang isasama sa articles of impeachment na siyang pagbabasehan ng mga prosecutors upang idipensa sa gagawing pagdinig ng Senado sa hinaharap.
Sa darating na March 14 nakatakda namang pagbotohan ng komite ang nasabing committee report.
Bago pa man ang naganap na botohan kaninang umaga ng mga miyembro, inamin na ng chairman ng komite na si Oriental Mindoro Rep. Reynaldo Umali na mayroon na silang summary of findings sa kanilang nakalipas na mga pagdinig.
“So far, we already have the framework. It’s just a matter of consolidating everything and then subject to style, presenting the articles of impeachment in its totality,†ani Umali.
Maari raw nilang i-consolidate ang ilang mga alegasyon na magkakapareho o isa-isang pagbotohan ang mga ito.
Una rito, umabot sa 15 pagdinig ang isinagawa ng komite para sa determination of probable cause sa reklamong impeachment ni Atty. Larry Gadon.
Hindi nagkatugma-tugma ang oras kaya humaba raw sa 15 probable cause hearings.
Ang ibang SC justices din ay “nagpa-excuse†pa umano dahil hindi sila puwede.
Gayunman, ipinagmalaki ni Umali na ang buong impeachment proceedings ay resulta ng “masusing pag-aaral†ng kaso.