-- Advertisements --
carlo paalam 2

Sigurado na ang bronze medal para sa Pinoy boxer na si Carlo Paalam matapos na manalo via points kontra sa 2016 Rio Olympics defending champion Shakhobidin Zoirov ng Uzbekistan.

Dahil dito pasok na sa semifinals si Paalam sa men’s flyweight class (48-52kg).

Noong una sa first round ay medyo nahirapan pa si Paalam na makapuntos dahil sa masyadong magalaw sa ring si Zoirov.

Pero makalipas ang ilang segundo nakakuha rin ng magandang timing si Paalam para maipasok ang solidong mga suntok.

Maganda rin ang counterpunching ni Paalam kaya nakumbinsi ang lahat na limang mga judges at ibinigay sa kanya ang Round 1.

paal

Sa Round 2 nagkaroon ng accidental headbutt ang dalawa kaya dumugo ng bahagya sa kani-kanilang mga noo.

Dito na itinigil ng ring doctor ang laban.

Dahil sa hindi natapos ang matchup idinaan sa puntos sa pamamagitan ng scorecard kung saan maging sa Round 2 ay abanse pa rin sa mga judges ang Pilipinas.

Itinigil ng referee (1:40 mark) ang laban pabor kay Paalam sa pamamagitan ng “win by points” 4-0.

Sa ngayon tatlong mga boksingero na ang sigurado na may medalya.

Ito na ang record breaking feat ng Philippine boxing team sa kasaysayan nang paglahok ng bansa sa Olimpiyada.

Samantala, hindi naman napigilan ni Paalam na maiyak sa saya matapos ianunsiyo ang kanyang panalo kung saan napaluhod pa ito lalo na at big upset ang kanyang naitala laban sa world’s number one boxer.

Sa Huwebes ang next fight ni Paalam laban sa Japanese boxer na si Ryomel Tanaka, dakong ala-1:30 ng hapon (PH time).

carlo paalam 3