Sumampa na sa 112,593 ang kabuuang bilang ng tinamaan ng pandemic na COVID-19 sa Pilipinas.
Nakapagtala ang Department of Health ng bagong record high na 6,352 new cases matapos ang dalawang araw.
Resulta raw ito ng submission ng reports ng 80 mula sa 94 na laboratoryo sa bansa.
Ayon sa DOH, karamihan sa naitalang bagong kaso ng sakit ang nag-positibo sa pagitan ng mga petsang July 22 at August 4. Nasa 3,941 yan.
Sinundan ng mga kaso nag-positibo noong July 1 hanggang July 21 na 2,321. Samantalang ang iba ay nag positibo noon pang Abril, Mayo at Hunyo.
Mula sa higit 112,000 total cases, higit 44,000 ang aktibo o nagpapagaling pa.
Samantala, 240 naman ang nadagdag sa mga gumaling kaya ang total recoveries ay 66,049.
Habang 11 ang bagong reported na namatay. Total ay nasa 2,115 na.
“Of the 11 deaths, 1 (9%) in August, 8 (73%) in July, 1 (9%) in June, and 1 (9%) in May. Deaths were from Region 7 (5 or 45%), Region 11 (2 or 18%), Region 9 (2 or 18%), Region 4A (1 or 9%), and NCR (1 or 9%).”
Ayon sa DOH, 89 na duplicates ang tinanggal nila mula sa total case count, kung saan 12 ang unang nireport na nag-recover.