TOKYO, Japan – Dinomina ng Pinay boxer na si Nesthy Petecio ang kanyang unang laban sa debut sa Tokyo Olympics para itala ang panalo laban kay Marcelat Matshiu Sakobi ng Congo sa pamamagitan ng unanimous decision na isinagawa nitong araw ng Sabado sa Kokugikan Arena.
Naiposte ni Petecio ang 5-0 victory upang patunayan na kabilang siya sa inaasahang malaki ang tiyansa na umabot sa gold medal ng Olympiyada.
Ang Pinay ay ranked No. 7 sa featherweight sa buong mundo ay uusad na sa round-of-16 sa Lunes at nahaharap sa mas mabigat na laban kontra sa pambato ng Chinese-Taipei na si Lin Yu-ting na itinuturing na top seed sa kanilang 57 kg na timbang.
Sa kanyang unang naging laban sa Tokyo lumabas sa score card ng limang mga judges ang 29-28 sa ilalim ng 10-point must system na ginagamit sa boxing competitions.
Ang 29-anyos na si Petecio ay una nang nanalo sa world championship noong taong 2019 hanggang sa kinilala bilang No. 1 sa buong mundo. (with reports from Bombo Josel Palma)