-- Advertisements --

Kinumpirma ngayon Presidential Spokesman Secretary Harry Roque na pansamantalang ipapatupad ng Pilipinas ang travel ban sa mga flights na manggagaling mula United Kingdom (UK).

Ayon kay Roque, ang hakbang ay bunsod na rin sa pangamba na makarating sa bansa ang ikalawang strain ng COVID-19 na mabilis umanong kumalat sa UK.

ROQUE
Presidential Spokesman Secretary Harry Roque

Ipapatupad ang temporary ban sa mga flights mula UK epektibo December 24 hanggang December 31, 2020.

“All passengers who have been in the UK within 14 days immediately preceding arrival to the Philippines, including those merely in transit, are also temporarily restricted from entering the country for the same period,” ani Roque sa statement. “Outbound travel to the UK shall likewise be subject to the existing exit protocols of the Philippines and the UK.”

Una rito, mahigit 40 mga bansa na ang nagpatupad din ng travel ban mula sa United Kingdom.

Bago ito sinabi na rin ni Sec. Roque na sa ngayon ay mahigpit na ang protocols na ipinatutupad sa mga paliparan lalo na ang mga inbound passenger na nanggaling ng ibang mga bansa.

OFW Dubai DFA NAIA

Inihayag ni Sec. Roque na hindi basta nakakapasok sa bansa ang mga nanggaling ng abroad dahil kailangan silang dumaan sa mahigpit na health screening kasama na rito ang pagsasailalim sa swab test at quarantine.

Niliwanag ni Sec. Roque na tinitiyak ng Department of Health (DOH) na batay sa ulat ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM) na hindi pa nakakapasok sa bansa ang sinasabing bagong strain ng COVID-19 na nakita sa United Kingdom.