-- Advertisements --
PHILNDFP

Nagkasundo ang Philippine government at ang National Democratic Front of the Philippines (NDFP) peace negotiators na magpatupad ng nationwide ceasefire sa loob ng 15 araw.

Ito’y base sa inilabas na joint statement ng mga peace panel ng gobyerno at NDFP.

Magsisimula ang ceasefire sa December 23,2019 ng 12 a.m. hanggang January 9,2020 ng 11:59 p.m.

Sa nasabing joint statement, sa panig ng Philippine government pirmado ito nina Sec. Silvestre Bello III, Secretary ng Department of Labor (DOLE) at Hernani Braganza dating Kalihim at Authorized Negotiator ng Philippine government.

Habang sa panig ng NDFP, pinirmahan ito ni Luis Jalandoni, Senior Adviser, NDFP Negotiating Panel at Fidel Agcaoili, Chairperson, NDFP Negotiating Panel.

Tumayo namang testigo o witness si Kristina Lie Revheim, Third Party Facilitator ng Royal Norwegian Government.

Inirekumenda ng mga peace negotiators na magpatupad ng ceasefire mula December 23 hanggang January 7,2010.

Una ng iniulat ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) na wala silang balak na magpatupad ng holiday truce laban sa CPP-NPA.