-- Advertisements --

Pinunan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang iniwang pwesto ni dating Cabinet Secretary at ngayon ay Civil Service Commission (CSC) Chairman Karlo Alexei Nograles.

Itinalaga ng pangulo bilang bagong Cabinet Secretary si Atty. Melvin Alvarez Matibag.

May petsang Marso 8, 2020 ang appointment paper ni Matibag.

Bago ito si Matibag ay ang tumatayong secretary general ng Cusi wing na PDP-Laban.

Samantala, nanumpa na rin ito sa pwesto ngayong araw sa Malacañang.

Si Executive Secretary Salvador Medialdea ang nagpanumpa sa pwesto kay Matibag.

Si Matibag ay dati ring presidente ng National Transmission Corporation (TransCo).

matibag