(Update) Binulabog ng dalawang magkasunod na malakas na pagsabog ang Jolo, Sulu.
Ayon sa mga otoridad unang sumabog ang isang bomba dakong alas-11:58 ng umaga sa Brgy. Walled City, Jolo.
Iniulat naman ng PNP na ang ikalawang pagsabog ay naganap pagsapit ng ala-1:00 ng hapon na hindi lamang kalayuan sa unang explosion (100 meters) doon din sa bisinidad ng Barangay Walled City sa harap lamang ng DBP Bank.
Kagagawan naman daw ito ng isang suicide bomber.
Ang unang pagsabog ay malapit lamang sa Red Cross Chapter.
Isang motorsiklo na may nakakabit na improvised explosive devise (IED) ang umano’y ipinarada ang bigla na lamang sumabog malapit sa naka-park na 6×6 military truck.
Sa inisyal na impormasyon mula kay Lt. Col. Ronald Mateo, civil military relations officer ng 11th infantry division, kabilang umano sa nasawi sa second explosion ay ang mismong suicide bomber.
Lumabas naman ang impormasyon na umakyat na sa 15 ang nasawi na kinabibilangan ng pitong mga sundalo, isang pulis at anim na mga sibilyan.
Umaabot na rin 75 ang sugatan na kinabibilangan ng 21 mga sundalo at anim na mga pulis.
Malapit lamang umano sa lugar nang pinangyarihan ng explosion ang ilang mga grocery stores na nagkataong namimili.
Sa impormasyon naman mula kay Capt. Rex Payot, spokesperson ng 11th Infantry Division, Philippine Army, nagsasagawa ng kanilang routine patrol at tumutulong sa COVID-19 response ang mga sundalo nang mangyari ang pagsabog.
Sa ngayoninilagay na ni Mayor Kerkhar Tan sa total lockdown ang buong Metro Jolo kasabay nang pagkordon sa lugar upang suyurin at malaman kung meron pang panganib sa mga mamamayan at mga otoridad.
Kaugnay nito, nanawagan naman si AFP spokesperson Maj. Gen. Edgard Arevalo sa publiko na maging kalmado pero alerto. “We, together with our counterparts, are still determining the details of the explosion through post blast investigation. At the moment our troops on the ground are evacuating and providing treatment for the casualties while securing the area. The 11th Infantry Division and the joint Task Force Sulu are on high alert following this incident. We advise the public to stay calm but be vigilant to monitor and report any suspicious persons or items or unusual activities in the area.” (photos from AFP-Sulu thru Bombo Analy Soberano)