-- Advertisements --

(Update) Naka-lockdown ngayon ang Capitol Hills matapos ang pagsagasa sa dalawang Capitol Hill Officers.

Napatay ng mga otoridad ang armadong driver ng sasakyan habang itinakbo sa pagamutan ang dalawang kapulisan.

Kalaunan ay pumanaw ang isa sa mga pulis.

Dahil sa pangyayari ay itinaas ang security threat sa nasabing lugar kung saan ipinakalat ang maraming kapulisan at sundalo.

Nilagyan din nila ng barikada ang kapaligiran ang Capitol.

Magugunitang noong Enero 6 ay nilusob ng mga supporters ni dating US President Donald Trump ang Capitol dahil sa hindi nila matanggap ang resulta ng halalan.

Inaalam pa ng mga otoridad ang motibo ng suspek sa insidente na may dalang kutsilyo sa kanyang pag-atake.