-- Advertisements --
FDAAp23 1 1
FDA director general Eric Domingo

Binigyang diin ngayon ni Food and Drug Administration (FDA) Director General Eric Domingo na wala pang pangangailangan na magbigay ng booster shots doon sa mga bakunado na.

Sa ulat kagabi ni Domingo sa pagpupulong ng IATF, sinabi nito wala pa naman daw silang nakikitang paghina ng epekto ng mga COVID-19 vaccines.

Sa kanyang presentasyon inihalimbawa ng FDA chief ang mga naiulat na breakthrough cases kung saan sa 90% sa mga pasyente marami ang nagmula sa pagitan ng 18-anyos hanggang 39-anyos.

Ang naturang mga age group daw kasi ay marami ang lumalabas ng bahay at mga nagtatrabaho.

“Ninety percent po ng ating mga breakthrough infections occur in people 18-to-39 years old,” ani Usec. Domingo. “Ito kasi ‘yong mga lumalabas ng bahay, nagtatrabaho.”

Ayon kay Usec Domingo naitala nila ang 516 breakthrough infections sa Pilipinas na kumakatawan lamang sa 0.0025% na napakalayo mula naman sa 20.3 million Pinoy na mga fully vaccinated na.

fda breakthrough

Sa naturang bilang mahigit sa 500 mga nahawa sa coronavirus na fully vaccinated, nasa 14 ang mga pumanaw kung saan karamihan sa mga ito ay mga senior citizens.

Sinabi pa ni Domingo, karamihan din daw sa mga breakthrough infections ay nangyari matapos ang isang dose pa lamang na naiturok na vaccines.

Doon naman sa mga taong kinapitan ng COVID-19 na fully vaccinated na o mahigit dalawang linggo matapos ang second dose ay narito ang mga datos:

Sinovac – 327 cases, 8 deaths
Astrazena – 125 cases, 1 death
Sputnik V – 1 breakthrough case
Pfizer – 28 cases
Janssen – 35 cases, 5 deaths