-- Advertisements --

BAGUIO CITY – Trending o usap-usapan sa online world ang pakikipagkita ng breakthrough Pinoy singer na si Zack Tabudlo sa mga American multi-platinum artists na sina Lauv at Lany sa kasagsagan ng kanyang US tour.

Matapos kasing mai-post ang ilang selfie at litrato ni Zack kasama ang mga nasabing chart-topping singers, umugong ang posibilidad na kolaborasyon ng mga ito.

Gayunman, wala pa namang inilalabas na detalye sa napapabalitang collaboration ng kanilang mga management.

Nasa Estados Unidos si Zack para sa kanyang first ever US tour kung saan nagtanghal na ito sa Los Angeles, San Diego at San Francisco, California at pati na rin sa Las Vegas, Nevada.

Kilala si Tabudlo sa kanyang mga OPM hits na “Nangangamba”, “Binibini”, at “Pano.”